Filipino
ANG MGA BOTO AY DAPAT NABIGAY NA BAGO MAG-00:00 JANUARY 10, 2019 UTC+8
Paano bumoto
Ang bilang ng puntos na maaari mong ibigay sa bawat manlalaro ay mula 3 hanggang 10 puntos.
Mayroong hangganan ang bilang ng mga manlalaro na maaari mong bigyan ng mga puntos na ito.
10 puntos: 1 manlalaro
9 puntos : 1 manlalaro
8 puntos : 2 manlalaro
7 puntos : 2 manlalaro
6 puntos : 2 manlalaro
5 puntos : 3 manlalaro
4 puntos : 3 manlalaro
3 puntos : 4 manlalaro
Pwede kang bumoto ng hanggang sa 18 manlalaro! Hindi kinakailangang umabot sa 18 manlalaro, ngunit kinakailangan na may manlalaro na mabigyan ng bawat puntos. Ibig sabihin nito, kinakailangan mong bumoto ng di kukulang sa 8 manlalaro. Kapag hindi mo mabuo ang 8 boto na kinakailangan, hindi ito mabibilang.
Ang lahat ng boto ay idadagdag upang makuha ang kabuuang resulta. Ang nasa unang 25 na manlalaro ang isasama.
Halimbawa:
10 puntos: Juan
9 puntos: Pedro
8 puntos: Maria, Marcelina
7 puntos: Pablo, Fernando
6 puntos: Bartolome, Judas
5 puntos: Cristina, Angelita, Isidro
4 puntos: Crispin, Basilio, Jose
3 puntos: Crisostomo, Tasio, Simon, Victoria
Maaari ka lamang bumoto sa mode na madalas mong laruin. (Maaring magbigay ng tag-isang listahan sa bawat mode.)
Maaari ka lamang bumoto ng mga manlalarong mayroong bandila ng Pilipinas sa kanilang mga profile.
Isang beses ka lang maaaring bumoto. Hindi mabibilang ang boto mo kapag nag-bigay ka muli ng ibang listahan gamit ang isa pang forum post. Ang mga post para sa mga diskusyon ay hindi bibilangin para dito.
Maaari lamang po na iwasan natin ang bumoto ng mga manlalarong hindi gaanong ka-aktibo. Kung maaari, bumoto ng mga manlalaro na aktibo sa Performance Rankings o sa mga Torneo/Kumpetisyon.
Hindi maaaring bumoto ng mga manlalarong Banned o Restricted.
Maaari ka lamang bumoto ng mga manlalarong nasa ranggong 1 hanggang 30000 sa osu!standard, o mula 1 hanggang 5000 sa ibang game mode.
Kinakailangan na mayroon kang hindi kukulang sa 5000 na Play Count sa osu!standard, o hindi kukulang sa 2000 para sa ibang mga game mode.
Para sa osu!mania, iba ang boto para sa 4K at 7K.
Maaaring iwasan na iboto ang inyong mga kaibigan. Ang dahilan ng botohan na ito ay malaman kung sino ang mga mahuhusay na mga manlalaro ng Pilipinas, at hindi ng kasikatan.
Kami ay naghahanap ng video editor para sa presentasyon ng mga resulta. Maaari lamang po na kausapin si SurfChu85 para dito.
Maraming salamat!
English
VOTES MUST BE SENT ON OR BEFORE 00:00 JANUARY 10, 2019 UTC+8
How to vote
The amount of points you can provide for each player ranges from 3 to 10 points.
On top of this, there is a limit to the number of players that you can distribute your points out to.
10 points: 1 player
9 points : 1 player
8 points : 2 players
7 points : 2 players
6 points : 2 players
5 points : 3 players
4 points : 3 players
3 points : 4 players
You can nominate/vote for up to 18 players! You are not required to vote for 18 players, but all of the points must be allocated to at least one player. This means that at the very minimum, you must vote for at least 8 players. If you do not meet the minimum amount of players voted for, your vote will not be counted.
All votes will be added together in order to determine the final ranking. The Top 25 players will be presented.
Example:
10 points: Juan
9 points: Pedro
8 points: Maria, Marcelina
7 points: Pablo, Fernando
6 points: Bartolome, Judas
5 points: Cristina, Angelita, Isidro
4 points: Crispin, Basilio, Jose
3 points: Crisostomo, Tasio, Simon, Victoria
You can only vote for players in the mode you are active in. (You can put a separate list for each mode)
You can only vote for players who have the PH flag on their profiles.
You can only post your votes once. You votes will be invalidated if you post a list on a separate post. Discussion posts will not count for this.
Please try to avoid voting for players who have not played much this year. Do your best to vote for the players who have been the most active in regards to Performance Ranking and/or in the tournament scene.
You are not allowed to vote for banned/restricted players.
You can only vote for players in between rank 1 and 30000 for osu!standard, between rank 1 and 5000 for the other modes.
You must have a play count of at least 5000 for osu!standard, at least 2000 for the other game modes.
For osu!mania, votes for 4K and 7K will be separate.
Please refrain from voting for your close friends. The purpose of this vote is to determine the top players of the PH community, not a popularity contest.
We are looking for people who can make a video compiling the results. Please contact SurfChu85 for this.
Thank you very much!