So, almost 2 years ago, i met this girl online. Naglalaro din sya ng osu!. Halos magkapareho kami ng aiming skills pero naghiwalay rin kami ng landas dahil naging faithful sya sa CTB at ako naman eh nanatili sa Standard. Oh shit ang-sad nun :/
Edi ayun. Naging close kami, laging magkausap, hanggang sa na-inlove ako sa kanya. Oo, it sounds wierd na ma-inlove ka sa taong hindi mo pa nami-meet irl pero wala eh, nangyari na eh. One day, umamin sya na gusto nya ako.. edi mejo speechless ako kasi first time kong may nag-confess sa akin kahit online lang.. eh sakto nung panahon na yun "mahal" ko na sya (YES, MAHAL. WIERD NO?) so, i asked her to be my girlfriend, which is sinagot naman nya ng "yes"
Then yun, lagi ko syang tinatawagan pagka-uwi nya galing school, lagi kaming magka-chat sa fb and osu!, etc. Mejo nakaka-konsiyensya kasi kahit na sinabi nya sa akin na hindi pa sya pwede magkaroon ng relationship due to her age (12 sya nun, ako 16. lol) eh tinanong ko parin sya kung pwedeng maging kami.
Then after a few months, we both agreed na maging inactive na sa osu! at mag communicate nalang thru phone/facebook (that is also the reason kung bakit naging inactive na ako for almost a year). But a lot of things happened. One cold night (well, even though it's noon, it's cold in here. #WhenInBaguio), she told me that they're going to migrate to canada. H3H3 KUNG ACTIVE DIN KAYO NUNG PANAHONG ACTIVE PA KAMI MALAMANG KILALA NYO NA TO
.
Days flew by, weeks, months.... hanggang sa napansin kong ako nalang ang nagsasabi ng "i love you", at walang natatanggap sa sagot mula sa kanya. So, pinusuan ko lang. Puso bes, puso. Hanggang sa sinabi nyang "tama na". Sa buong buhay ko, yun yung pinaka-unang beses na nasaktan ako ng sobra. Ewan ko kung bakit ganun kasakit kahit hindi naman kami nagkikita irl. Well, kung binasa nyo itong buong story, you might be wondering: "Asan na yung aaminin netong taong to?", eto po yung aaminin ko (at ia-adress ko sa kanya):
INAAMIN KONG HINDI PARIN AKO MAKA MOVE-ON. Hanggang ngayon nagsesend parin ako sa dati mong number ng "goodmorning texts" everyday kahit alam kong hindi mo na yun mababasa. I know that there are times na hindi ko naipa-ramdam sayo na love kita, pero sana... sana kahit dito man lang sa post na to, kahit alam kong hinding hindi mo na ito mababasa, eh maramdaman mo. Ni hindi ko man lang nasabi sayo yung salitang "sorry sa lahat" bago ka umalis. Ni hindi ka na nagpaalam sa akin bago yung flight mo. Lahat ng messages mo sakin hindi ko parin dine-delete. Sana maging daan din itong confession na to para magkaroon ulit tayo ng communication at masabi ko sayo lahat ng nasa puso ko. Gusto na kitang malimutan pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Kaylangan ko munang masabi sayo lahat ng nararamdaman ko.
-[myuu]