forum

Mabuhay Philippines!

posted
Total Posts
338
show more
Kotaro
/bump =w=V
jockeytiyan

Kotaro wrote:

/bump =w=V
Don't spam pls.
Pizzicato
\BINAY/
arcwinolivirus
/MIRIAM\
jockeytiyan
Ughh bwisit na eleksyon yan...
Eyenine

jockeytiyan wrote:

Ughh bwisit na eleksyon yan...
^
You should have recorded this year's election. At least pag kelangan mo ng kung anong bubwisit sayo sa future me nakahanda ka.
jockeytiyan
Try ko sa presidential elections kung buhay pa tayo.
YunoFanatic
Mabuhay Din :3
jockeytiyan
Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
Crimson Lacryma

jockeytiyan wrote:

Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
How many of them senator-elects are relatives of other politicians?
Hmm... none?
jockeytiyan

Crimson Lacryma wrote:

jockeytiyan wrote:

Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
How many of them senator-elects are relatives of other politicians?
Hmm... none?
JV Ejercito -> Jinggoy Estrada

I can prolly tell others but this is the most obvious example XD
Kobold
ipasok si gordon
topecnz

Kobold wrote:

ipasok si gordon
xD
-Itadakimasu
Wohoo ! Mabuhay haha.
Xanaehla
MABUHAYY!!!!!!!!!!! :)
DJFrost_old
Hey guys! I'm pretty new to this game.. so carry nyo nalang ako! Hihihihi...

Si Arcwinolivirus magiging #1 na sa osu!mania! Ilang points nalang!!! Matagal na kasing afk si Remilia eh..
HazeL_old_1
mga wala lang mga pinopost natin ha??
nga pala ano mode pambato ninyo? :D
Grox

ReDHaZexXxHaZeL wrote:

mga wala lang mga pinopost natin ha??
nga pala ano mode pambato ninyo? :D
Osu! mania!!!! :) :) :)
Xanaehla
Osu! standard! :oops:
MrChezco1995
Ngayon ko lang nakita yung thread na eto ah... hahahah! Ayos! :D
Jharra-chan
kala ko bago palang :v XD tahahah i-revived nyo yung thread c:






Jharra-chan
Mania player :3
Navizel
avoid double posting please. pakigamit po yung edit button.
jockeytiyan
Grabe all these infractions :v
Seikunai
Buhayin ulit natin ang thread! :D
Navizel
Mabuhay sa mga taga-Visayas! Sana wala naman pong namatayan dito. Kung meron, my condolences to you and to your family.
Konaruhi

Otonashi07 wrote:

Mabuhay sa mga taga-Visayas! Sana wala naman pong namatayan dito. Kung meron, my condolences to you and to your family.
Slith
hahahaha ngayon ko lng nakita sub-forum natin hahaha!
seveneleven711
:) :)
Gravey-
Nice hahaha keep it up! :)
xXMavisXx_old
Yatta ! mabuhay PH ! <3
Yuuribo
Mabuhay ang lahat ng tao sa Pinas!
Mapa-Luzon,Visayas o Mindanao! :D
Dafydd
hi
makemecool123
Mabuhay



INFO OF ME


SPOILER
Im a Osu!mouse player but not so active from osu! but sometimes go full retarded in youtube comments
But i play osu!m 4k but i suck at it...
slasher12_old

Mabuhay!
-12-


Info About Me
Osu! standard and Osu! Mania player. Recently playing Osu! Catch the Beat. Clueless with Osu! Taiko :S
Active player... *tabun... gawin nating mejo active XD* minsan di tlga ako mkalaro pag sobrang busy esp with classes.
Not a beginner pero dami pring kelangan matutunan d2 ^^ Puro ata Easy and Normal Difficulties p lng nilalaro ko
Beginner sa forums :D first post ko ata to

Tried Mapping... nosebleed po T_T well pag-aralan ko muna, hehe
hoping to map some Filipino songs and have them as ranked beatmaps (lol, todo kung mangarap :P)

Anime and Manga lover and collector, but not an otaku - di ko p nman na reach ung "goodies-first-before-food" na level
Recently started reading Light Novels.
Music lover, esp anime songs (outnumbered na ata ng jap songs ang Filipino and English songs combined sa collection ko)
Kaya grateful na nadiscover tong osu!, enjoy kse eh, hehe *arigatou! kami-sama!*

Silent introvert... naging isang "hikikomori" at one point
Pero maingay sa mga naging ka-close.
I know that i'm still a newb, and given my silent and loner personality, but will strive to contribute to the osu! community
esp d2 sa #Filipino.

Yoroshiku!!
AnnexRomanza
Da Pasta.

MABUHAY PILIPINAS~
Qruzielxyle
Magandang Araw Kabayan :P :D
Hahahahha!
StarveBread
Hi :)
lehmakari
MABUHAY!
Factorial
Musta :3
JYChii
Hi Ako nga pala si Tim Ogawa!! Kamusta?? :)
[ K i a r a a ]
HI!!!!!!!!!!!!!!!!
Xanaehla
Mabuhay sana ulit itong sub forum na ito post pa moree! MABUHAAAAAAAAYY!!!!!!! :)
-SayaKai

Xanaehla wrote:

post pa moree!
owwyeeeee

JYChii wrote:

Hi Ako nga pala si Tim Ogawa!! Kamusta?? :)
mabuti :v
Mafuuu
oh may subforum pla mga pinoy, Mabuhay sa lahat ng mga pinoy~

sana dumami mga osu! players sa Pinas, prang ang konti lng ng mga active xD
Xanaehla
Maraming naka online sa "Country" pero mas maraming tahimik kaysa sa maiingay @.@
Mafuuu
Mga Pinoy- nananahimik? Himala.
-SayaKai

Mafuuu wrote:

Mga Pinoy- nananahimik? Himala.
onga e ;w;

Xanaehla wrote:

Maraming naka online sa "Country" pero mas maraming tahimik kaysa sa maiingay @.@
ye /sadla

and paki-add ng rules to.
-bawal mag-double post
-bawal magbump ng 1-month or something thread.

that's all. D:
Xanaehla
Bakasyon na! tag init na! mag ingayan naaa :)
Mafuuu

Xanaehla wrote:

Bakasyon na! tag init na! mag ingayan naaa :)
Wooo~ sana nga umingay na kahit pinagpapawisan tayo lahat hahaha! :lol:
Xanaehla
^

Kahit talsik laway pa tuloy pa rin, lol :3
YukiKazu
Hello kamusta na kayo wahahahaha :D :D
Makicchi
Mabuhay~
Azucchi
im here for post count

i like trains choo choo
Xanaehla
Waleyy na balik eskwela na bahala naaaa
Mafuuu
Demn wala na ata magpo-post dito sa afternoon pag may pasok na
don't leave me alone guys plz ;w;
Xanaehla
^

Meron pa rin yan kahit may klase na yung iba :3
Mafuuu
^

where? ;w;
Xanaehla
^

Nandito pa akoo pero siguro mas marami pa rin active kapag walang klase kaysa meron

May klase kana?
Mafuuu
^

September pa sakin so I get to tambay here ;w;

ikaw?
Xanaehla
^

Kakaiba yung schedule mo ahhh! sa in game rin? actually.. tapos na mag wo work na pero baka mag balik aral ulit

May iba pa akong gustong matutunan >.<
Mafuuu
^

Mmm kasi abroad ako magco-college c:

Ohh, ye maganda nga marami ang alam pero GL finding work kung magiiba situation mo!
Xanaehla

Mafuuu wrote:

^

Mmm kasi abroad ako magco-college c:

Ohh, ye maganda nga marami ang alam pero GL finding work kung magiiba situation mo!
Nice! saan banda? maka abroad rin sana sa work kaso madali akong ma homesick ee.. bahala na pipilitin ko na lang kung pwede. Haharapin ko rin balang araw yung kinatatakutan ko na gusto ko rin ang gulo noh? haha! hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung ano gagawin ko. Mag work na lang muna? mag study na lang ulit? o pag sabayin na lang? bahala na! ang hirap rin pala itong phase na ito maraming pag babago, thanks btw.. :3
Mafuuu
^

Sa LA ako~ and yeah, mahirap talaga pag malayo sa bahay pero masasanay ka rin naman siguro. Bahala na kung magwo-work ka or study ulit, basta kaya mo gawin mo na. Go with the flow? Yun ba tawag doon? Eh basta, kaya mo yan xD
Xanaehla
^

Wow! sa LA rin nakatira yung pinsan ko sa ngayon. Mas pinili naming tumira dito sa PH kaysa sa US kasi may nag pamana ng house dito. Tinanggap na lang sayang nomon kung tinanggi. Yeah! go with the flow! kung pwede lang sana huminto muna yung oras kahit sandali lang pero wala ee.. go with the flow talaga haha, basta bahala na talaga.. pupunta ka sa Universal Studios kung naka punta kana sa LA? maka punta rin sana ako doon *w*
Mafuuu
^

Syempre pupunta! Pasyal is very important for the Pinoys haha. Sana pumunta ka rin. Mukhang masaya doon kahit maiinit rin ;w; Pagnaka-chance ka, go with the flow and visit there too! c:
Xanaehla
^

Kailan ka pupunta doon? kapag bakasyon na sa LA? ako di pa ko sigurado may iba pa kasing gagawin. Okay lang kung may mag kidnap sa akin papunta doon, hahaha! kulang pa kasi yung budget saka problema rin yung pagka homesick. Malapit na matapos ang tag init dito, woohoooo! tag ulan na!! :)
Mafuuu
^

Hmm mga August ata ako pupunta? Set na ung Visa ko pero hindi pa inaayos ng nanay ko ung ticket kasi busy ;w; Ah so hindi pa sure ikaw kung pupunta talaga? Siguro naman magkaka free time ka sooner or later tapos dadami rin ang pera from... magic? hahaha :3

Yeaaa~~~! malapit na nga matapos ang init! Sana nga lang hindi mabaha mga bahay natin =w=
Xanaehla
^

May iba rin akong gustong puntahan besides sa US. Sa tingin ko matagal pa iyon mangyayari. Marami pang kailangang gawin *faintss* kung gumawa na lang ng sariling pera? papel lang nomon pinapahalagaan pa edi moyomon na tayong lahat. Marami tayong papel pa print na lang dito pwede rin bato kulayan na lang, lol. Hindi nag babaha sa amin sa labas lang ng gate kasama ng security guard house. May ilog kasi sa labas pag napuno, umaapaw. Isa pa yung kanal nag babara. Nasira yung kisame namin dati sa bagyo tumutulo yung tubig pero ngayon pinaayos na pininturahan na rin. Iba na ngayon kapag tag ulan sa ibang lugar malalim na yung baha parang may sariling swimming pool na. Ginagamit na yung walang laman na ref kapag wala.. mag swimming na lang. Hahah! gooo with the floww sa bahaa ~ it's more fun in the Philippines! @.@
Mafuuu
^

Ohh kaya pala. Well, sana makapunta ka nga sa mga gusto mo... basta wag ka magpriprint ng sariling pera mo, baka ma-arrest ka sa iniisip mo diyan uwu Busit naman ilog na yan, i-drain niyo na lang para wala ng baha diyan sa inyo! At meron pang bara na kanal, only in the Philippines do we have barang kanal and swimming pool made out of flood water. hayyyy magpasalamat na lang ako na hindi nababaha malapit sa bahay ko kasi gumagana mga kanal namin. More fun in the Philippines talaga.
Xanaehla
^

Nag bibiro lang ako about sa pag counterfeit ng pera, haha! i know na against the law ang gawain na ganun kapag nahalo sa totoong bagay. Makukulong ng 20 years sa kulungan matagaaal makalayaa. Mababaw lang ilog dito kapag tag araw pero kapag tag ulan grabe lumalalim nagiging dagat na, hahahaha. Good for you na walang baha sa inyo. I love it kapag malamig. I hate it kapag mainit na panahon. Meron sanang winter season dito pero wala.. tropical muna talaga. Medyo malapit si Philippines kay equator. Mag move sana siya sa itaas pa para magkatabi sila ni Japan. Kapag nagka totoo malapit na lang magiging mura na yung biyahe, PH x JP :">
ihewmatt
:lol: nice one'. Mabuhaii
Mafuuu

ihewmatt wrote:

:lol: nice one'. Mabuhaii
Mabuhay ^^

@Xana
Oo oo masarap nga pag malamig! Feeling sobrang cozy pag naka sweater :3 bat kasi dapat tumabi ang pinas sa equator? Hahaha dumikit nlang nga tayo sa japan para dun lagi magbabakasyon tayo! Kakapunta ko nga lang japan few weeks ago, masaya pero nakawawa wallet ng tatay ko xD

Xanaehla wrote:

PH x JP :">
Xanaehla
^

Yeaaaahh! siguradong maraming pupunta doon lalo na yung mga otacos at wibuuss, hahaha! may tourist guide kayong kasama? konti lang daw yung bihasa na mag salita ng ingles doon. Alam niyo na mag salita ng nihongo? kaya di niyo na kailangan ng translator? sobrang tagal pa para gumalaw yung lupa papunta sa taas mga ilang taon pa, maraming taon. Ilang araw kayo nandoon? saka magkano lahat ng ginastos ninyo?

Mafuuu
^

Oo nga, wala kaming kasama na guide o translator. Ako lahat nagbasa ng signs pero kahit konti kang alam ko sa japanese marami rin akong naintindihan kasi parehas characters sa chinese ;w; kakatawa nga eh, pag kinausap mo sila ng ingles maraming mix ang salita nila ng 'um' at 'eto, nani kore?' xD Tapos meron pa, nung nag order kami ng 'water' sa isang restaurant isa lang na teenager ung nandoon tapos tinawagan niya pa mga tao sa next store kung ano ang 'water'. Mahirap talaga pag foreign country with barely any english hahaha isang week kami doon sana makapunta ulit pag dumikit ang countries natin kahit sobrang bagal ng pag galaw niyan >w<
Xanaehla
^

Buti nakaka intindi ka ng nihongo kahit paano ako basic lang alam ko pero parang gusto ko rin matutunan ito para may extra language rin akong alam, hahah! cutee nila mag engrish! paano pa kaya kapag taglish? nakakatawa rin kapag may Filipino accent yung parang kay Manny o kay Petra. Napanood mo na? nakakatawa na magaling sila at the same time! parang may pagka konyo rin yung dating, like this? parang di ko kayang mag straight tagalog. Seee! may halong english nonomon pero sinusubukan ko rin na walang kahalo. Hmmm.. ano kaya tingin ng foreigners sa atin kung nag sasalita tayo ng sariling language natin? parang mix asian and spanish siguro.. mag aral pa sana sila about more sa english para di na sila mahirapan makipag communicate sa foreigners na bumibisita sa kanila o tayo na lang umintindi sa kanila, lmao! dalawang beses na akong natamaan ng April Fools sa site na ito dati pa -> http://www.lovemyanime.net/shingeki-no- ... episode-1/ . Matagal ko ng inaabangan yung season 2 ng Shingeki, excited muchh. May movie rin daw kaso live action sa August pa :D
-SayaKai
wait wat
Mafuuu
@Xana

Yea, maganda nga pag marami alam na language ^^ Meron nga ako interesting napansin eh, yung phoenetics ng tagalog at japanese similar at nahihilo sila ng konti pagnagsalita ka ng tagalog. Kung napapansin mo rin yung tagalog pwede isulat gamit hiragana except 'ñ' and 'ng' hahaha. Hmm hindi ko pa ata napapanood yan xD mahirap na mahirap na walang halong english sa tagalog pero push mo yan ;w; wala ata plano mag study ng english masyado ang foreigners kasi hindi naman nila ginagamit sa country nila haha ang sakit naman ng april fool's nayan xD #shingekihype
Xanaehla
^

May pagka similarities rin pala, sugoii. Noong new student pa lang ako sa school nag sasalita pa ng english yung teacher sa akin ehh.. na no nosebleed ako lalo kala niya di ako nag sasalita ng tagalog, haha. Na colonized tayo ng mga kano kaya ganito tayo kung di tayo nahawa sa kanila kaya natin mag straight tagalog or any language pa dito basta nanggaling dito sa PH pero mabuti rin na natuto tayo mag english. Nung naabutan ko dati yung #filipino channel parang mas maraming english speakers kaysa tagalog tapos may nag chat na baguhan doon sabi.. "Bakit kayo nag sasalita ng english? eh #filipino to" not exactly na ganyan yung sinabi ha.. parang ganyan lang. 2nd language natin ang english kaya okay lang, right? pero sa tingin ko mas okay kung gagamitin natin yung own language natin, imo. Parehas okay na okaayy! kung anong gusto nilang gamitin sige lang! basa lang ng basa minsan lang akong nag sasalita sa channel in game. Try mo panoorin! kung may free time ka lang di kita pinipilit. Kaya lang may pagka goreyy kung di mo type yung ganung genre huwag mo na lang panoorin pero maganda yung story saka yung OST niya hindi boring pakinggan. Haha, love na lovee nila own language nila parang ayaw magpa mix. Kahit ilang beses pa akong ma biktima ng April Fools okay lang sa akin basta nakakatawa :3
Mafuuu
^

Hmm true true, dapat proud ka nga talaga sa language ng country mo pero sa isip ko unique ang pinas. Tayo lang ata ang bansa sa Asia na magaling talaga mag ingles. Somehow that counts as pride for country diba? Problema lang, sa sobrang pagkafluent-fluent natin mas common rin mga OFW at kumokonti rin ang pagkagamit ng tagalog at, yan tuloy, kahit mga bata puro english na hahah ^^" Pero yea, mas masaya sana kung of equal dominance ang english at tagalog sa bansa... Oh wow, gore. Di ak masyado sanay dyan pero try ko ahahhaha basta maganda ost pwedeng pwede. Pero sana nga lumabas na ang s2 ng shingeki, masyado akong tamad basahin ang mango niya :3
Xanaehla
^

Tama! meron rin ibang magaling pa mag salita ng ingles dito sa asya tulad ng India. Marami rin silang call centers. Yung ibang magulang nila tinuturuan muna mag ingles bago mag tagalog. Sabagay mabuti rin mas madali silang makipag usap sa ibang dayuhan mas maaga silang natuto di tulad ng taga ibang bansa na inuuna muna nila yung sariling wika nila tapos saka na lang mag aral ng ingles kapag nakapag tuntong na sa kolehiyo doon pa lang sila nag sisimula. Soo anong paborito mo na genre? kung tinatamad magbasa ng manga manood na lang ng anime tapos piliin yung dub para wala ng binabasa sa ibaba, rekta na agad. Sa totoo lang tamad rin ako magbasa napilitan lang, HAHAHA. Parte na rin to ng buhay kaya wala akong magagawa kundi mag "Goo with the flooww!" tulad ng sinabi mo dati. Mas pinili ko na manood kaysa magbasa pero kahit na pinipili ko pa rin yung sub kaysa sa dub. Mas pinili na ngang manood eh pinili ko pa rin yung sub ewan ko sa sarili ko ang weirdo ko talaga. Kainin na lang yung mango kaysa basahin pa *nomnoms* :3
Mafuuu
Ahh oo nga pala.nakalimutan ko xD and yea mas marami nga gumagamit ingles dahil sa mga magulang. Kahit ako na infect, meron akong American accent ng konte hahaha. Kasi minsan environment rin eh, sa school ko bawal mag tagalog kaya no choice, english tayo. Yung mga nagtatagalog nga pinapadilig sila ng halaman sa labas lol.hmm favorite genre ko kahit ano ata basta maganda yung experience >w< Hindi pa ako tinamad magbasa ng subtitles pero mas masaya nga pag nakikita mo buong screen kaysa ung baba lang xD yea tama yan! Go with the flowww! :3

*eats mango with you

Mango is always better than the anime xD
Xanaehla
^

Kapag english class lang sa amin english only talaga kapag may nahuling nag tagalog may deduction sa score *nosebleed* pero dati english ako ng english sa online for practice? tapos yung mga kasama ko galing ng taga ibang lugar konti lang Filipino. Kapag nag balikbayan rin yung pinsan ko napapasubo rin mag english. Nung nag tagal na.. na miss ko rin mag tagalog kaya ito ako ngayon tagalog naman ng tagalog or taglish, HAHAHAHA. Minsan sa environment rin nakakapag influence sa atin kaya naging ganito tayo. Maganda rin manood sa sine gastos gastos rin kahit minsan dati puro tipid yung pinagagawa ko nanonood lang dito sa online. IMAX na lang yung di ko pa na experience maybe somedayy.. pa. GO WITH THE FLOW! GOO WITH THE FLOWW! GOOO WITH THE FLOOWWW! WHOOOOOO!!!!! ~ :)

Mango ish nice pero ang favorite ko watermelon, hao bout chu? order sana ako kanina ng banana dessert na Minions kaso naubusan na sila bukas na lang. Isa na rin sa mga movies na inaabangan ko sa July 8 na ipapalabas dito kahit na di ko maintindihan language nila okay lang ang cute cutee kasi nila! *excited*



*shares a slice of watermelon* :D
Mafuuu
^

Uwaaaa RIP score. Oo nga, madali ma pick-up ang english online :3 Yea pag may pinsan galing ibang bansa nosebleed accent at english nila hahaha especially ung mga Australian kong pinsan- la akong maintindihan pagnagsasalita sila... Nice, makaka pure tagalog ka for sure! Wag ka na mag sine, pirate mo na lang hahaha kakahilo nga ng IMAX eh, napuntahan ko ng ilang beses pero masaya naman siya GO WITH THE FLOWWWWW! ^^

Watermelon rin kasi pag malamig siya mmmYES hahaha oh meron pala ganun, banana minnion dessert o.o Marami ngang excited sa minnion movie, hindi ako masyadong mahilig pero yung mga kasama ko ka-hype nila xD

AHHHHH SI MENMAAA

*eats watermelon* :3
Xanaehla
^

Australian accent yung katulad ng kay Bogart? kung di mo pa siya napapanood ito YT channel niya -> FrontActHecklines . Isa siyang Filipino na marunong mag Australian accent, lmao! nanonood lang ako sa sine kapag gusto ko talaga yung palabas pero kapag okay lang sa online na lang. Nakakahilo pala mag IMAX? sige huwag na lang baka ako rin mahilo tapos mas mahal pa kaysa sa 2D, haha! sa 3D games nahihilo na ko kapag nag tagal na ito pa kaya. Kahit dito sa Osu! nakakahilo rin nung first time ko pa lang mag taiko kaya ginawa ko munang main yung standard noon pero ngayon all modes na. Mahirap mag balance sa lahat kaya parang naging 2nd mode ko na yung taiko pero actually.. yan dapat yung pinaka least na mode na i tryout ko di ko ine expect na ito pa yung sumunod kaysa sa mania. Masaya rin pala nung nag tagal na natanggal na rin yung hilo. Kulang lang pala sa sanayan. Nagustuhan ko na rin mag CTB. Ikaw rin pala watermelon! lalo na kapag seedless yum yum ~ nakakatawa kasi sila kaya maraming mahilig kahit animated pa nung napanood ko yung previous movie niya maraming nag tatawanan sa loob ng sine. Na miss ko si Menma! saka sa lahat ng casts ng Ano Hana *feeeeelss* >.<
Mafuuu
^

Woah! Parang Australian talaga siya haha difference lang mga pinsan ko sobrang daming Australian slang ang gamit tlgang wala nang maintindihan (lol) Try mo naman parin! Kahit isang beses lang :3 Oh so ano 3D games na try mo? Kung nasa 3DS lang hindi naman ganun nakakahilo pero kung virtual reality gaya ng Oculus, RIP. Ohhh mahirap nga sundan ang taiko haha basta masaya ka laruin mo na lahat ng gamemode, wala ng main main ^~^ YES! seedless <3 Kasi maganda yung humor nila eh hehe Oo nga, kakamiss tlga ng anohana. Speaking of anohana, yung mga gumawa ng anohana gumagawa sila ng bagong movie, excited rin ako for that. Nakita mo na ba yung news tungkol dun? ^^
Hiyori
Hala! Ba't ngayon ko lang nakita to. Huhu :( Hello mga kababayan ko!
-SayaKai

Hiyori wrote:

Hala! Ba't ngayon ko lang nakita to. Huhu :( Hello mga kababayan ko!
wb. HAHAHAHA. HA.
Xanaehla

Mafuuu wrote:

^

Woah! Parang Australian talaga siya haha difference lang mga pinsan ko sobrang daming Australian slang ang gamit tlgang wala nang maintindihan (lol) Try mo naman parin! Kahit isang beses lang :3 Oh so ano 3D games na try mo? Kung nasa 3DS lang hindi naman ganun nakakahilo pero kung virtual reality gaya ng Oculus, RIP. Ohhh mahirap nga sundan ang taiko haha basta masaya ka laruin mo na lahat ng gamemode, wala ng main main ^~^ YES! seedless <3 Kasi maganda yung humor nila eh hehe Oo nga, kakamiss tlga ng anohana. Speaking of anohana, yung mga gumawa ng anohana gumagawa sila ng bagong movie, excited rin ako for that. Nakita mo na ba yung news tungkol dun? ^^
Naalala ko yung pagka Australian accent niya kay Steve Irwin sa channel ng Animal Planet kaso RIP na siya awww.. na stung siya sa sting ray pero at least nagawa niya yung gusto niyang gawin. Haha! minsan di ako maintindihan ng kaklase ko noon sa hina ng boses ko pero ngayon sinusubukan ko ng palakasin para di na pa ulit ulit na sinasabi isang beses na lang maintindihan agad. 3D games like.. Assasin's Creed, Grand Theft Auto, Grand Turismo, FIFA Soccer etc.. meron pa sana akong ibang gustong subukan kaya lang walang console na kakailanganin saka medyo madaling maubos yung space ng pc ko, lool. That's nice na meron kang 3DS! and.. Occulus Rift?! moyomon! meron lang akong PS Vita and other Sony / Nintendo na consoles. Napilitan lang bumili ng bagong console dahil sa Dangan Ronpa saka nagustuhan ko na rin yung iba. Tokyo Ghoul, Digimon, Sword Art Online, Hyperdimension Neptunia.. ughhhh! maraming inaabangan kaya ubos moneyy. Wala pang pirated na pinapalabas hanggang ngayon possible pa kaya? parang not allowed na. Kung hihintayin pa yung emulator para sa pc sobrang tagal pa, fjghadsjhgfdskjgfd. May bagong movie yung Ano Hana? ayos! aabangan ko rin to. Di ko nakita yung news sa dami kong inaabangan. Ngayon ko lang nalaman dahil sayo, hahaha! thank you! July 8 na ngayon! *HHYYYPEEEEEEEE* :)

Hiyori wrote:

Hala! Ba't ngayon ko lang nakita to. Huhu :( Hello mga kababayan ko!
Hellooo! kala ko dati konti lang Filipino dito ngayon pala maramii tapos meron palang sub forum + #filipino channel late ko na rin na discover :D
Mafuuu
^

Oo nga sad na namatay na siya. Palakasin mo na boses mo, sigawan mo sila! ahahah Ohh yea, parang games na ganun fan rin ako ng AC ^^ Kahit walang console ok lang, marami naman sa PC o kaya hiram hiram na lang sa mga kaibigan! Masaya kasi ang 3DS kaya binili ko pero matanda na yung sa akin mga 2 years ata puro sira at bakbak na ;w; Yung oculus nawala eh pero marami kaming ibang console sa bahay namin gaya ng PS4, Wii, at Xbox360 pero since nag move dalawa kong kapatid sa US ako lang naglalaro kasi kuya ko pruo LoL linalaro. Gusto ko nga rin maglaro ng mga jrpgs gaya nyan pero la akong mahanap na kopya sa stores :c Yan ang Pinas! Puro pirated content! xD Tagal ng sobra nga ng mga emulator @.@ Ah, hindi movie ng AnoHana- more like unrelated siya na movie pero yung mga gumawa ng AnoHana yung gagawa rin nun. Pinaasa ko ata ikaw gomen uwu Ano ibang pinapaanood mo this season? ^~^

Hiyori wrote:

Hala! Ba't ngayon ko lang nakita to. Huhu :( Hello mga kababayan ko!
Hello hello :3
Xanaehla
^

Para sa mga gustong mag tipid gumamit na lang ng pc all the way! kaso kailangan rin magpa upgrade upgradee ng parts kung outdated na para gumana yung gustong paganahin pero at least isa na lang yung gagamitin. Iba na talaga panahon ngayon high tech na, lumelevel up! hahaha! excited na akong makita ang future. Kung gusto mo pa na ma maintain sayo pa repair mo sa shop o palitan na lang ng XL. Mas larger ang screen niya. Sayang.. saan kaya pumunta si Occulus Rift?? magkano siya? di bale marami ka namang kasamang consoles. Kuntento na ko sa akin kahit most of them.. classics na masaya na ko. Inactive na muna ako sa LoL mas mahilig na ko sa ngayon sa rhythm and visual novel. Sa Japan meron! nakaka intindi ka ng nihongo kahit papaano. Mag hihintay pa ko i translate nila into english. Yan! kapag tipid piliin na lang ang pirated. Mahal ang original worth thousands sa pirated worth hundreds. Kung mayaman kayo na! bilhin na ang gustong bilhin, #YOLO. Okay lang sa akin basta interesting ang story aabangan ko pa rin. Kung new anime maybe papanoorin ko.. Hetalia, Durarara!! x2, Charlotte, Gatchaman Crowds Insight, Himouto! Umaru - chan, Fate / Kaleid Liner Prisma, Sword Art Offline II, Owari no Seraph, Amagi Brilliant Park, Magi Sinbad no Bouken, Love Live! The School Idol, Gekijou - ban Haikyuu!! Owari to Hajimari, Pokemon XY, Chibi Maruko - chan, Boruto, Wooser no Sono Higurashi Mugen - hen, Working!!!, God Eater, Non Non Biyori, Gakkou Gurashi, Haiyore! Nyaruko - san, Angel Beats!, Prince of Tennis, Kamisama Kiss, Date a Live, Overlord.. ito yung Anime Chart, June 2015 -> August 2015 niya, hao bout chuu? :3



AYYYYYYYCEEE! *^*
Mafuuu
^

Hehe totoo yan! Kung ayaw mo mag spend sa PC parts punta na lang sa computer shop! Sa 3DS ko papabayaan ko na lang ata since meron naman yung kapatid ko sa America ng pinakabagong release ng 3DS ^^" Di ko nga alam kung saan yun lumipad eh hahaha pero sad parin pagnawala mo yung laruan mo :c Maganda naman yung classics eh, maganda linalaro for nostalgia at iba iba pa. Dahan dahan baka bumaba rank mo sa LoL kung sobra kang inactive hehe Oo nga eh, ang dami ko nakitang visual novel dun nung pumunta ako pero 'la eh- di ko maintindihan (I cri). Go Pirates! Yea ang daming matitipid sa pirated, meron nga kami store dito malapit sa local computer shop na nagtitinda ng mga popular games for 100pesos hahaha Why buy when you can pirate? Ah buti naman, mukhang magiging maganda ang movie eh. Haba ng list mo ah! Ako naman hmm... Gangsta., Gate, Charlotte, Durarara x2, Gachaman Crowds, God Eater, Overlord, MonMusume, and... O.O WAT THE MERON BAGONG HETALIA?! bat ngayon ko lang ito nalaman ;w; Gahhh huge fan ako ng hetalia kasi one of the first anime na stinart ko yun! >w<


AWW, Ang cu-cute nila ahahaha best assassins ever!
Xanaehla

Mafuuu wrote:

^

Hehe totoo yan! Kung ayaw mo mag spend sa PC parts punta na lang sa computer shop! Sa 3DS ko papabayaan ko na lang ata since meron naman yung kapatid ko sa America ng pinakabagong release ng 3DS ^^" Di ko nga alam kung saan yun lumipad eh hahaha pero sad parin pagnawala mo yung laruan mo :c Maganda naman yung classics eh, maganda linalaro for nostalgia at iba iba pa. Dahan dahan baka bumaba rank mo sa LoL kung sobra kang inactive hehe Oo nga eh, ang dami ko nakitang visual novel dun nung pumunta ako pero 'la eh- di ko maintindihan (I cri). Go Pirates! Yea ang daming matitipid sa pirated, meron nga kami store dito malapit sa local computer shop na nagtitinda ng mga popular games for 100pesos hahaha Why buy when you can pirate? Ah buti naman, mukhang magiging maganda ang movie eh. Haba ng list mo ah! Ako naman hmm... Gangsta., Gate, Charlotte, Durarara x2, Gachaman Crowds, God Eater, Overlord, MonMusume, and... O.O WAT THE MERON BAGONG HETALIA?! bat ngayon ko lang ito nalaman ;w; Gahhh huge fan ako ng hetalia kasi one of the first anime na stinart ko yun! >w<


AWW, Ang cu-cute nila ahahaha best assassins ever!
Minsan na lang ako pumupunta sa internet cafe mas comfyy pa rin ako sa house kaysa sa outside. Meron naman palang bago. Marami ka nang consoles kung di ginagamit ng kapatid mo solong solo mo, ansaaaaaayaa! naka huli ako noon ng sisiw sa event ng school. Iniwan ko lang sandali tapos pagka balik ko nawala na parang may nag nakaw pati yung lalagyanan nawala *sobs*.. binabalik balikan ko pa rin yung classic ng PKMN kasi di pa ko tapos pero medyo malapit na rin sa ending. Wala pa akong rank this season sa LoL kaya no worries sa decay. I'm not sure pa kung kailan ko ulit kukunin. Imba ng ka clan mates ko doon ang tataas na sa rank nila. Nung binili yung pirated na GTA for pc P500 siya tapos alam mo kung ilan yung discs? 14 discs!!!!! grraaaaaaaaaaaaabeee.. dati rati 1 - 2 or 1 - 4 lang ngayon marami na while sa original P5,000 siya pero hanggang 7 discs. Mababawasan rin ito sa list kapag di ko nagustuhan as of now temporary pa lang susubukan ko muna. Yes! meron na! pang 6th season na nung July 3 pa pinalabas hanggang 2 episodes pa lang, on going.. I love Hetalia! ang hnnnnnghh! cutee! nila kapag naka chibi mode lalo na si Italy! PASTAAAAA!!!!!!!!!!!!! mukhang mas nag improve pa yung art design. Nakakatawa na natututo pa sa history >///<

Mafuuu
^

Hmm totoo yan, maingay rin nga minsan sa mga internet cafe eh pag may Dota o LoL players ^^" Di ko nga rin alam na may bago nakita ko lang sa kapatid ko. Hehehe masaya nga :3 hala ang saklap nyan, sayang! Bat ang bilis nila?! Waa which Pokemon? Red and Blue? Kahit na wala ka pang rank baka maging 'rusty' ang skills mo ;w; pero mukhang ok lang kasi pwede ka lang mag team sa mga clanmates mo na imba hhaha... Hala bat 14 discs yan o.o Pero maganda naman na 500 lang yan kahit ang dami. Ah kaya pala, mahilig ka mag drop? xD WOOOO sixth season! Kala ko nga wala na kasi kahit fifth season palang sabi na baka hindi na matutuloy!! Buti meron pa!!!! Yung main characters sa Axis, cu-cute talaga nila >w< Kahit nga yung kaibigan ko na mahilig sa history nagustuhan ang hetalia dahil dyan eh hahaha
Xanaehla
^

Maybe ninjas or dat sisiw ish a ninjaa. Sa ka close friend ko nandoon pa rin naka huli rin siya. It's okay.. meron pa kaming other pets dito pero dat sisiw.. ma mimiss ko pa rin siya! PKMN Black & White, tapos na sa Red except sa Blue. Mukhang interesting yung characters doon. Interested rin ako sa X & Y kaya lang wala pa akong console pero okay lang tapusin muna yung classics kaysa doon na agad. Sayo? saan kana? okay lang sa akin kapag naging rusty yung skills ko doon mag practice na lang all over again. Masochista or sadista here, hahahaha! okay lang sa akin na mahirapan basta for improvement pero kapag totoo na no mercy na sa opponent kapag grabe makapag trash talk.. nearly 65 GB yung file size ng GTA kaya maraming discs. Maganda yung graphics and gameplay niya parang AC maraming ginagawa kaya worth it. Not much.. kung di ko lang talaga nagustuhan i drop ko sa list kung may potential binibigyan pa ng chance. Like.. School Days kala ko magiging ordinary school life lang habang tumatagal nagiging complicated. I was like.. "whaaaaaaaat" tapos na drop ko na lang. May chance sana na makasama si Philippines sa Hetalia. May nakita akong sketch niya dati kala ko makakasama na siya pero fanart pala, awww.. akala ko sketch ni Himaruya Hidekazu kasi mag kamukha silang parehas ng art design nagaya niya *^*



HAHAHAHAHA! AMERICA! >.<
Mafuuu
^

Ninja :3 Oh mabuti naman sa friend mo! Oh talaga? Anong ibang pets niyo? Parang marami rin pero sad talaga kahit mawala ang isa... Ohh so Red ka pala. Ako una ko ata Ruby eh pero tapos na ako sa Diamond, Pearl, Platinum, Black, White, at X. (wow ang daming oras ng buhay ko ang napunta sa pokemon ;w;) Sana nga makabili ka ng console, sobrang saya ng X and Y kasi siya yung unang 3D na style! Oh nice, mukhang isa ka sa mga chill na players sa LoL na masayang kasama ^^ yeah that's it, parehas ang motto ng osu at lol 'play more' ahahaha bat naman ang laki niyan... RIP harddrive. Ahh so ganun ka, parang biglang 10% lang sa anime na stinart mo yung matatapos kasi sila lang ang maganda pero wow, school days. Ang sama sama nga ng reputation ng anime na yan sa community (lol). Ohhhh nakita ko na rin ata yan dati! Yung brown skinned girl with dark eyes ba? Kala ko official rin siya ahhahaha sayang, gusto ko siya rin makasama pero baka i-bully lang siya ni America ;w;

Dat hamburger stack, poor Arthur xD
Xanaehla
^

Hahaha, suwerte niya meron pa rin siya naging chicken na ata sa kanya. May neko, doge, bunny and fish. Meron dating hamster and parrot kaya lang RIP na sila. Ilang beses ng na RIP sina neko, doge, bunny and fish namin pinapalitan pa. Sa inyo? may alaga rin kayo sa house? wow! marami.. PKMN fanatic? anong favorite line up mo? kaya ako naging interested sa X & Y maraming ng nag bago saka okay lang yan basta ang importante masaya ka sa ginagawa mo sulit pa rin. Mahal ng 3DS XL ihhhh! mas mahal pa kaysa PS Vita. Mukhang impossible na makabili, tipid? di ako kagaya mo na isang rich kid pang average lang ako sa personal, lmao! pati presyo ng original na bala niya nakita ko rin *faintss* hihintayin ko na lang emulator niya kahit sobrang tagal pa ipapalabas after many many years.. kahit na sa totoong buhay kailangan ng "practice" madalas na ganyan ang pinapayo para gumaling. "Play more" kapag nasa game katulad na rin ng practice. Kaya medyo konti na lang dina download ko na files baka ma sobrahan ulit. Yeah! meron rin gumawa ng male version na PH. Kala ko mag friends sina Philippines and America? tinutulungan nila tayo na may kapalit. Si China ang bully nang aagaw ng teritoryo. Malawak na nga lupa nila nang aagaw pa parang gusto nila sa kanila na lahat *sigh* pero di lahat ng taga China. May nakilala akong Chinese dito nung nasa home study pa ko dati sa high school. She's very nice and friendly. Mahilig siya sa buisness mag benta ng kahit ano. Binentahan niya ko parang gusto ko bumili ng hair pin niya ehhh.. kaso kulang sa moneyy. Nung uuwi na siya sa country niya may natira pang isa. Binigay na lang niya sa akin kaysa binenta ang daya ko naman kung ako lang yung bibigyan niya so binigyan ko rin siya parang nag exchange gifts. Ngayon wala na siya dito nasa China na siya ma mimiss ko siya! >.<
Mafuuu
^

Ehehe cute talaga ng mga chicken <3 Uwaa parang parehas lang ata tayo ah, meron rin kami ng neko, dog, bunny, bird, and fish!! Except yung doggy nawala a few weeks ago ;~; nagkaroon rin kami ng maraming RIP pero bili parin ng bili ang lola ko kasi paborito niya talaga pets~ Nag-raise nga siya ng dalawang tortoise for 3 years sa kagustuhan niya! Sadly, nanakaw sila kasi expensive (20k each!) pala yun pag ganoon na katanda *sigh* Ah yea, huge fan ako! Favorite ko ata yung Black :3 Which one kukunin mo, X or Y? Yup! Basta masaya lahat okay~ Kaya mo yan! Tipid ka lang tapos maghanap ka ng deal sa mga used games or consoles, ganun bumibili ang kaibigan ko and most of the time mga < 3/4 of the original lang yung kailangan niya i-spend. Basta keep practicing, bahala na ahaha Ohh may male version pla, nice! Siguro okay lang si America and PH pero feeling ko malakas masyado influence ni America tapos si PH magiging parang apprentice niya xD Oo nga si China ata bully! Pero yea hindi naman lahat ng Chinese ganyan. Buti nakakilala ka sa kanya, mulhang mabait siya sa pagka treat niya ^^ ako naman yung highschool na inattend ko puro Chinese. Yung circle of friends ko nga lahat Chinese na lalaki pero hindi sila mahilig sa business masyado, parang pinoy talaga personality nila eh ahahaha. Except one, yung lagi namin iniinis kasi kuripot siya pero pagkatapos nun iniirita niya lang ako, buset!! Kaso, di naman kami seryoso sa pagka racist. Running joke nga sa school namin: "Wow, Asians are so smart" "Aren't we Asian too?" "No, we're in the philippines." and "Ayoko nga mag treat!" "Kasi Chinese ka?" "Mukha niyo, instik rin kayo." Basically, it doesn't really matter what race you are there, tatawa at tatawanan ka either way. ahahaha magandang feeling c:
Xanaehla
^

*apir* , awwww! saan na kaya pumunta yung doge? namasyal? minsan ganun nangyayari lumilibot kahit saan baka babalik rin siya sa inyo. Doge namin ilang beses ng nakawala dati buti na lang di siya nakakalabas sa subdivision nakawala lang siya sa kulungan sa loob ng house namin. Buti na lang rin di pa ko nakakagat ni dogee nung umuwi na kami nakawala daw siya nung gabi. Mom ko nakagat na sa legs nung dalaga pa siya kaya na trauma na siya sa mga dogess pati parang ako rin ee.. kaya medyo dinidistansiya ko sarili ko sa kanila. While sa nekos kahit di na kailangan ng tali o kulungan bumabalik pa rin sila sa amin. Most of them di nangangagat basta huwag lang takutin. Inampon lang namin nung unang nakita sa kalye payat siya na madusing ngayon okay na siya nilinis na rin. May nakita rin akong neko sa labas ng church parehas rin naghihina na siya parang gusto ko siyang ampunin pero di na pwede marami na dito sa house *feelss* . May law kung ilan dapat yung aalagaan. Ohhhh! I love tortoise! kahit slow pa kaya ko silang pagmasdan kahit tao kaya ko mag hintay. Tortoise for 20k each? grabe! pwede na akong bumili ng kahit isang 3DS XL at kung ano ano pa sa ganyang halaga kung meron lang, looool. Nahuli niyo na kung sino nagnakaw sa kanila? matatamaan rin sila ng karma. Natapos mo na PKMN Black & White 2? meron pa rin continuation. Anong difference ng X & Y? i guess pipiliin ko.. Y. Ganyan rin feeling ko sa friendship nila, hahahahaha! gooooo Philippines! fightooooooo! i'm glad nakilala ko siya meron rin ako natutunan. Why sa high school na Chinese? akala ko mostly sa kanila mahilig mag business may na iiba rin pala. Chinese sila na marunong mag tagalog? difficulty level : asian, lmaooo! na experience ko rin mag regular dati mas maraming boys kaysa girls. Sa cream section mas maraming girls kaysa boys sa klase namin. May konting Japanese and Korean tapos karamihan mga Filipino students na. Feeling ko alien ako doon ehhh.. kasi konti lang otacos or wibuss, hahaha! behave sila kapag may nag lecture pero pagkatapos ng klase parang nakawala sila sa selda. Magulooo na masaya rin silang kasama

:> ♥
Mafuuu
^

*apir back* di ko nga alam eh, baka dinukot na siya ;w; ah buti naman sa bahay lang, kung lumabas siya baka masagasaan pa. Uwaa buti nga di ka nakagat kakatakot aso pag ganun. No wonder na trauma nanay mo. So paano yan? Dumidistansya ka lang sa mga asong nanagat na malaki or okay ka sa mga maliliit na aso? :o Yeaa! Yung mga neko lagi silang bumabalik at hindi nangangagat, mas okay sila para sa akin :3 ohh ang bait niyo naman sa mga neko ^^ Mga ilan na na adopt niyo na pusa? May law pala? Di ko alam ahahaha. Wow dem quotes! Kagulat ko nga rin nung sinabi nila 20k. Hindi pa nahuli yung nangnakaw. 3 years ago na ata yun eh, nasa Baguio kami nung pinasukan. Buti na lang tough yung defence ng bahay kaya hindi nila nakuha gamit sa loob pero nakakainis pa rin sila... Ah yep! Pero Black 2 lang yun linaro ko. Tingnan mo sa Serebii, nakalist yung version differences in X and Y.go PH,! :3 Sana makakilala ka ng maraming mababait ^^ Di ko nga alam bakit un yung school ko eh, trip ng magulang? Yup, kakaiba talaga sila ahahha. Ohh alam ko rin feeling nang maraming foreigner na nag tratransfer ahaha. Pero wow, sections. Private school ako so di ko pa naeexperience. Konti rin kami sa class :/ How does it feel na may sections ba? Parang sa mga anime na may hierarchy between classes? (Hahaha jk) kahit konti lang ang wiibus samahan mo pa rin x3 kami naman whether may teacher or wala puro gulo gulo parin ahahha


(Sayang nawalo ko box ng Black)in case image doesn't load
show more
Please sign in to reply.

New reply