forum

Mabuhay Philippines!

posted
Total Posts
338
show more
CircleDrop
woah....andami ngang pinoy dito sa osu... :O
Tesu

angeloluis36 wrote:

woah....andami ngang pinoy dito sa osu... :O
yep.
Navizel
/me looks at countries ranking.*
horysh- *gets shot*

Parang dati, 12k+ lang ang players sa PH. ;u;
blacksymbian
Parang dati lang lima lima pa ang active noon tsaka ala pang tayong subforum nun.
Jazz
tapos wala pang masyadong kids
Finger Offensive
mabuhay!! :))
kuroyukihime10
HII .. Elloww :'D ;) [/color]
kuroyukihime10
waleeyy OL .. :'( ,,, LAMMEEEGGG !! :)
AngelChan
ohhai owo/
mayoi_neko03
Tayo na mangunguna sa rankings wahaha :3
MrNiceGuy_old

mayoi_neko03 wrote:

Tayo na mangunguna sa rankings wahaha :3

gudluck :D
Xanaehla
Parang di na masyadong malamig malapit na mag summer :?
Dafydd
malapit na panagbenga
Kinamo_old

dkun wrote:

hollykuni12 wrote:

Filipinos FTW! No other nationalities but Pinoys 8D
astig ang mga pinoy.
:)
Syempre pinoy pa \(*o*)/
Xanaehla
Itaas ang bandera ng Pilipinas! :)
topecnz
(^-^) Mabuhay!!!
arcwinolivirus
Nice title... Mabuhay Philippines~ o//
Kotaro
/bump =w=V
jockeytiyan

Kotaro wrote:

/bump =w=V
Don't spam pls.
Pizzicato
\BINAY/
arcwinolivirus
/MIRIAM\
jockeytiyan
Ughh bwisit na eleksyon yan...
Eyenine

jockeytiyan wrote:

Ughh bwisit na eleksyon yan...
^
You should have recorded this year's election. At least pag kelangan mo ng kung anong bubwisit sayo sa future me nakahanda ka.
jockeytiyan
Try ko sa presidential elections kung buhay pa tayo.
YunoFanatic
Mabuhay Din :3
jockeytiyan
Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
Crimson Lacryma

jockeytiyan wrote:

Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
How many of them senator-elects are relatives of other politicians?
Hmm... none?
jockeytiyan

Crimson Lacryma wrote:

jockeytiyan wrote:

Mamamatay tayo sa senatorial lineup ngayon :)))
How many of them senator-elects are relatives of other politicians?
Hmm... none?
JV Ejercito -> Jinggoy Estrada

I can prolly tell others but this is the most obvious example XD
Kobold
ipasok si gordon
topecnz

Kobold wrote:

ipasok si gordon
xD
-Itadakimasu
Wohoo ! Mabuhay haha.
Xanaehla
MABUHAYY!!!!!!!!!!! :)
DJFrost_old
Hey guys! I'm pretty new to this game.. so carry nyo nalang ako! Hihihihi...

Si Arcwinolivirus magiging #1 na sa osu!mania! Ilang points nalang!!! Matagal na kasing afk si Remilia eh..
HazeL_old_1
mga wala lang mga pinopost natin ha??
nga pala ano mode pambato ninyo? :D
Grox

ReDHaZexXxHaZeL wrote:

mga wala lang mga pinopost natin ha??
nga pala ano mode pambato ninyo? :D
Osu! mania!!!! :) :) :)
Xanaehla
Osu! standard! :oops:
MrChezco1995
Ngayon ko lang nakita yung thread na eto ah... hahahah! Ayos! :D
Jharra-chan
kala ko bago palang :v XD tahahah i-revived nyo yung thread c:






Jharra-chan
Mania player :3
Navizel
avoid double posting please. pakigamit po yung edit button.
jockeytiyan
Grabe all these infractions :v
Seikunai
Buhayin ulit natin ang thread! :D
Navizel
Mabuhay sa mga taga-Visayas! Sana wala naman pong namatayan dito. Kung meron, my condolences to you and to your family.
Konaruhi

Otonashi07 wrote:

Mabuhay sa mga taga-Visayas! Sana wala naman pong namatayan dito. Kung meron, my condolences to you and to your family.
Slith
hahahaha ngayon ko lng nakita sub-forum natin hahaha!
seveneleven711
:) :)
Gravey-
Nice hahaha keep it up! :)
xXMavisXx_old
Yatta ! mabuhay PH ! <3
Yuuribo
Mabuhay ang lahat ng tao sa Pinas!
Mapa-Luzon,Visayas o Mindanao! :D
Dafydd
hi
makemecool123
Mabuhay



INFO OF ME


SPOILER
Im a Osu!mouse player but not so active from osu! but sometimes go full retarded in youtube comments
But i play osu!m 4k but i suck at it...
slasher12_old

Mabuhay!
-12-


Info About Me
Osu! standard and Osu! Mania player. Recently playing Osu! Catch the Beat. Clueless with Osu! Taiko :S
Active player... *tabun... gawin nating mejo active XD* minsan di tlga ako mkalaro pag sobrang busy esp with classes.
Not a beginner pero dami pring kelangan matutunan d2 ^^ Puro ata Easy and Normal Difficulties p lng nilalaro ko
Beginner sa forums :D first post ko ata to

Tried Mapping... nosebleed po T_T well pag-aralan ko muna, hehe
hoping to map some Filipino songs and have them as ranked beatmaps (lol, todo kung mangarap :P)

Anime and Manga lover and collector, but not an otaku - di ko p nman na reach ung "goodies-first-before-food" na level
Recently started reading Light Novels.
Music lover, esp anime songs (outnumbered na ata ng jap songs ang Filipino and English songs combined sa collection ko)
Kaya grateful na nadiscover tong osu!, enjoy kse eh, hehe *arigatou! kami-sama!*

Silent introvert... naging isang "hikikomori" at one point
Pero maingay sa mga naging ka-close.
I know that i'm still a newb, and given my silent and loner personality, but will strive to contribute to the osu! community
esp d2 sa #Filipino.

Yoroshiku!!
AnnexRomanza
Da Pasta.

MABUHAY PILIPINAS~
Qruzielxyle
Magandang Araw Kabayan :P :D
Hahahahha!
StarveBread
Hi :)
lehmakari
MABUHAY!
Factorial
Musta :3
JYChii
Hi Ako nga pala si Tim Ogawa!! Kamusta?? :)
[ K i a r a a ]
HI!!!!!!!!!!!!!!!!
Xanaehla
Mabuhay sana ulit itong sub forum na ito post pa moree! MABUHAAAAAAAAYY!!!!!!! :)
-SayaKai

Xanaehla wrote:

post pa moree!
owwyeeeee

JYChii wrote:

Hi Ako nga pala si Tim Ogawa!! Kamusta?? :)
mabuti :v
Mafuuu
oh may subforum pla mga pinoy, Mabuhay sa lahat ng mga pinoy~

sana dumami mga osu! players sa Pinas, prang ang konti lng ng mga active xD
Xanaehla
Maraming naka online sa "Country" pero mas maraming tahimik kaysa sa maiingay @.@
Mafuuu
Mga Pinoy- nananahimik? Himala.
-SayaKai

Mafuuu wrote:

Mga Pinoy- nananahimik? Himala.
onga e ;w;

Xanaehla wrote:

Maraming naka online sa "Country" pero mas maraming tahimik kaysa sa maiingay @.@
ye /sadla

and paki-add ng rules to.
-bawal mag-double post
-bawal magbump ng 1-month or something thread.

that's all. D:
Xanaehla
Bakasyon na! tag init na! mag ingayan naaa :)
Mafuuu

Xanaehla wrote:

Bakasyon na! tag init na! mag ingayan naaa :)
Wooo~ sana nga umingay na kahit pinagpapawisan tayo lahat hahaha! :lol:
Xanaehla
^

Kahit talsik laway pa tuloy pa rin, lol :3
YukiKazu
Hello kamusta na kayo wahahahaha :D :D
Makicchi
Mabuhay~
Azucchi
im here for post count

i like trains choo choo
Xanaehla
Waleyy na balik eskwela na bahala naaaa
Mafuuu
Demn wala na ata magpo-post dito sa afternoon pag may pasok na
don't leave me alone guys plz ;w;
Xanaehla
^

Meron pa rin yan kahit may klase na yung iba :3
Mafuuu
^

where? ;w;
Xanaehla
^

Nandito pa akoo pero siguro mas marami pa rin active kapag walang klase kaysa meron

May klase kana?
Mafuuu
^

September pa sakin so I get to tambay here ;w;

ikaw?
Xanaehla
^

Kakaiba yung schedule mo ahhh! sa in game rin? actually.. tapos na mag wo work na pero baka mag balik aral ulit

May iba pa akong gustong matutunan >.<
Mafuuu
^

Mmm kasi abroad ako magco-college c:

Ohh, ye maganda nga marami ang alam pero GL finding work kung magiiba situation mo!
Xanaehla

Mafuuu wrote:

^

Mmm kasi abroad ako magco-college c:

Ohh, ye maganda nga marami ang alam pero GL finding work kung magiiba situation mo!
Nice! saan banda? maka abroad rin sana sa work kaso madali akong ma homesick ee.. bahala na pipilitin ko na lang kung pwede. Haharapin ko rin balang araw yung kinatatakutan ko na gusto ko rin ang gulo noh? haha! hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung ano gagawin ko. Mag work na lang muna? mag study na lang ulit? o pag sabayin na lang? bahala na! ang hirap rin pala itong phase na ito maraming pag babago, thanks btw.. :3
Mafuuu
^

Sa LA ako~ and yeah, mahirap talaga pag malayo sa bahay pero masasanay ka rin naman siguro. Bahala na kung magwo-work ka or study ulit, basta kaya mo gawin mo na. Go with the flow? Yun ba tawag doon? Eh basta, kaya mo yan xD
Xanaehla
^

Wow! sa LA rin nakatira yung pinsan ko sa ngayon. Mas pinili naming tumira dito sa PH kaysa sa US kasi may nag pamana ng house dito. Tinanggap na lang sayang nomon kung tinanggi. Yeah! go with the flow! kung pwede lang sana huminto muna yung oras kahit sandali lang pero wala ee.. go with the flow talaga haha, basta bahala na talaga.. pupunta ka sa Universal Studios kung naka punta kana sa LA? maka punta rin sana ako doon *w*
Mafuuu
^

Syempre pupunta! Pasyal is very important for the Pinoys haha. Sana pumunta ka rin. Mukhang masaya doon kahit maiinit rin ;w; Pagnaka-chance ka, go with the flow and visit there too! c:
Xanaehla
^

Kailan ka pupunta doon? kapag bakasyon na sa LA? ako di pa ko sigurado may iba pa kasing gagawin. Okay lang kung may mag kidnap sa akin papunta doon, hahaha! kulang pa kasi yung budget saka problema rin yung pagka homesick. Malapit na matapos ang tag init dito, woohoooo! tag ulan na!! :)
Mafuuu
^

Hmm mga August ata ako pupunta? Set na ung Visa ko pero hindi pa inaayos ng nanay ko ung ticket kasi busy ;w; Ah so hindi pa sure ikaw kung pupunta talaga? Siguro naman magkaka free time ka sooner or later tapos dadami rin ang pera from... magic? hahaha :3

Yeaaa~~~! malapit na nga matapos ang init! Sana nga lang hindi mabaha mga bahay natin =w=
Xanaehla
^

May iba rin akong gustong puntahan besides sa US. Sa tingin ko matagal pa iyon mangyayari. Marami pang kailangang gawin *faintss* kung gumawa na lang ng sariling pera? papel lang nomon pinapahalagaan pa edi moyomon na tayong lahat. Marami tayong papel pa print na lang dito pwede rin bato kulayan na lang, lol. Hindi nag babaha sa amin sa labas lang ng gate kasama ng security guard house. May ilog kasi sa labas pag napuno, umaapaw. Isa pa yung kanal nag babara. Nasira yung kisame namin dati sa bagyo tumutulo yung tubig pero ngayon pinaayos na pininturahan na rin. Iba na ngayon kapag tag ulan sa ibang lugar malalim na yung baha parang may sariling swimming pool na. Ginagamit na yung walang laman na ref kapag wala.. mag swimming na lang. Hahah! gooo with the floww sa bahaa ~ it's more fun in the Philippines! @.@
Mafuuu
^

Ohh kaya pala. Well, sana makapunta ka nga sa mga gusto mo... basta wag ka magpriprint ng sariling pera mo, baka ma-arrest ka sa iniisip mo diyan uwu Busit naman ilog na yan, i-drain niyo na lang para wala ng baha diyan sa inyo! At meron pang bara na kanal, only in the Philippines do we have barang kanal and swimming pool made out of flood water. hayyyy magpasalamat na lang ako na hindi nababaha malapit sa bahay ko kasi gumagana mga kanal namin. More fun in the Philippines talaga.
Xanaehla
^

Nag bibiro lang ako about sa pag counterfeit ng pera, haha! i know na against the law ang gawain na ganun kapag nahalo sa totoong bagay. Makukulong ng 20 years sa kulungan matagaaal makalayaa. Mababaw lang ilog dito kapag tag araw pero kapag tag ulan grabe lumalalim nagiging dagat na, hahahaha. Good for you na walang baha sa inyo. I love it kapag malamig. I hate it kapag mainit na panahon. Meron sanang winter season dito pero wala.. tropical muna talaga. Medyo malapit si Philippines kay equator. Mag move sana siya sa itaas pa para magkatabi sila ni Japan. Kapag nagka totoo malapit na lang magiging mura na yung biyahe, PH x JP :">
ihewmatt
:lol: nice one'. Mabuhaii
Mafuuu

ihewmatt wrote:

:lol: nice one'. Mabuhaii
Mabuhay ^^

@Xana
Oo oo masarap nga pag malamig! Feeling sobrang cozy pag naka sweater :3 bat kasi dapat tumabi ang pinas sa equator? Hahaha dumikit nlang nga tayo sa japan para dun lagi magbabakasyon tayo! Kakapunta ko nga lang japan few weeks ago, masaya pero nakawawa wallet ng tatay ko xD

Xanaehla wrote:

PH x JP :">
Xanaehla
^

Yeaaaahh! siguradong maraming pupunta doon lalo na yung mga otacos at wibuuss, hahaha! may tourist guide kayong kasama? konti lang daw yung bihasa na mag salita ng ingles doon. Alam niyo na mag salita ng nihongo? kaya di niyo na kailangan ng translator? sobrang tagal pa para gumalaw yung lupa papunta sa taas mga ilang taon pa, maraming taon. Ilang araw kayo nandoon? saka magkano lahat ng ginastos ninyo?

Mafuuu
^

Oo nga, wala kaming kasama na guide o translator. Ako lahat nagbasa ng signs pero kahit konti kang alam ko sa japanese marami rin akong naintindihan kasi parehas characters sa chinese ;w; kakatawa nga eh, pag kinausap mo sila ng ingles maraming mix ang salita nila ng 'um' at 'eto, nani kore?' xD Tapos meron pa, nung nag order kami ng 'water' sa isang restaurant isa lang na teenager ung nandoon tapos tinawagan niya pa mga tao sa next store kung ano ang 'water'. Mahirap talaga pag foreign country with barely any english hahaha isang week kami doon sana makapunta ulit pag dumikit ang countries natin kahit sobrang bagal ng pag galaw niyan >w<
Xanaehla
^

Buti nakaka intindi ka ng nihongo kahit paano ako basic lang alam ko pero parang gusto ko rin matutunan ito para may extra language rin akong alam, hahah! cutee nila mag engrish! paano pa kaya kapag taglish? nakakatawa rin kapag may Filipino accent yung parang kay Manny o kay Petra. Napanood mo na? nakakatawa na magaling sila at the same time! parang may pagka konyo rin yung dating, like this? parang di ko kayang mag straight tagalog. Seee! may halong english nonomon pero sinusubukan ko rin na walang kahalo. Hmmm.. ano kaya tingin ng foreigners sa atin kung nag sasalita tayo ng sariling language natin? parang mix asian and spanish siguro.. mag aral pa sana sila about more sa english para di na sila mahirapan makipag communicate sa foreigners na bumibisita sa kanila o tayo na lang umintindi sa kanila, lmao! dalawang beses na akong natamaan ng April Fools sa site na ito dati pa -> http://www.lovemyanime.net/shingeki-no- ... episode-1/ . Matagal ko ng inaabangan yung season 2 ng Shingeki, excited muchh. May movie rin daw kaso live action sa August pa :D
-SayaKai
wait wat
Mafuuu
@Xana

Yea, maganda nga pag marami alam na language ^^ Meron nga ako interesting napansin eh, yung phoenetics ng tagalog at japanese similar at nahihilo sila ng konti pagnagsalita ka ng tagalog. Kung napapansin mo rin yung tagalog pwede isulat gamit hiragana except 'ñ' and 'ng' hahaha. Hmm hindi ko pa ata napapanood yan xD mahirap na mahirap na walang halong english sa tagalog pero push mo yan ;w; wala ata plano mag study ng english masyado ang foreigners kasi hindi naman nila ginagamit sa country nila haha ang sakit naman ng april fool's nayan xD #shingekihype
Xanaehla
^

May pagka similarities rin pala, sugoii. Noong new student pa lang ako sa school nag sasalita pa ng english yung teacher sa akin ehh.. na no nosebleed ako lalo kala niya di ako nag sasalita ng tagalog, haha. Na colonized tayo ng mga kano kaya ganito tayo kung di tayo nahawa sa kanila kaya natin mag straight tagalog or any language pa dito basta nanggaling dito sa PH pero mabuti rin na natuto tayo mag english. Nung naabutan ko dati yung #filipino channel parang mas maraming english speakers kaysa tagalog tapos may nag chat na baguhan doon sabi.. "Bakit kayo nag sasalita ng english? eh #filipino to" not exactly na ganyan yung sinabi ha.. parang ganyan lang. 2nd language natin ang english kaya okay lang, right? pero sa tingin ko mas okay kung gagamitin natin yung own language natin, imo. Parehas okay na okaayy! kung anong gusto nilang gamitin sige lang! basa lang ng basa minsan lang akong nag sasalita sa channel in game. Try mo panoorin! kung may free time ka lang di kita pinipilit. Kaya lang may pagka goreyy kung di mo type yung ganung genre huwag mo na lang panoorin pero maganda yung story saka yung OST niya hindi boring pakinggan. Haha, love na lovee nila own language nila parang ayaw magpa mix. Kahit ilang beses pa akong ma biktima ng April Fools okay lang sa akin basta nakakatawa :3
Mafuuu
^

Hmm true true, dapat proud ka nga talaga sa language ng country mo pero sa isip ko unique ang pinas. Tayo lang ata ang bansa sa Asia na magaling talaga mag ingles. Somehow that counts as pride for country diba? Problema lang, sa sobrang pagkafluent-fluent natin mas common rin mga OFW at kumokonti rin ang pagkagamit ng tagalog at, yan tuloy, kahit mga bata puro english na hahah ^^" Pero yea, mas masaya sana kung of equal dominance ang english at tagalog sa bansa... Oh wow, gore. Di ak masyado sanay dyan pero try ko ahahhaha basta maganda ost pwedeng pwede. Pero sana nga lumabas na ang s2 ng shingeki, masyado akong tamad basahin ang mango niya :3
Xanaehla
^

Tama! meron rin ibang magaling pa mag salita ng ingles dito sa asya tulad ng India. Marami rin silang call centers. Yung ibang magulang nila tinuturuan muna mag ingles bago mag tagalog. Sabagay mabuti rin mas madali silang makipag usap sa ibang dayuhan mas maaga silang natuto di tulad ng taga ibang bansa na inuuna muna nila yung sariling wika nila tapos saka na lang mag aral ng ingles kapag nakapag tuntong na sa kolehiyo doon pa lang sila nag sisimula. Soo anong paborito mo na genre? kung tinatamad magbasa ng manga manood na lang ng anime tapos piliin yung dub para wala ng binabasa sa ibaba, rekta na agad. Sa totoo lang tamad rin ako magbasa napilitan lang, HAHAHA. Parte na rin to ng buhay kaya wala akong magagawa kundi mag "Goo with the flooww!" tulad ng sinabi mo dati. Mas pinili ko na manood kaysa magbasa pero kahit na pinipili ko pa rin yung sub kaysa sa dub. Mas pinili na ngang manood eh pinili ko pa rin yung sub ewan ko sa sarili ko ang weirdo ko talaga. Kainin na lang yung mango kaysa basahin pa *nomnoms* :3
Mafuuu
Ahh oo nga pala.nakalimutan ko xD and yea mas marami nga gumagamit ingles dahil sa mga magulang. Kahit ako na infect, meron akong American accent ng konte hahaha. Kasi minsan environment rin eh, sa school ko bawal mag tagalog kaya no choice, english tayo. Yung mga nagtatagalog nga pinapadilig sila ng halaman sa labas lol.hmm favorite genre ko kahit ano ata basta maganda yung experience >w< Hindi pa ako tinamad magbasa ng subtitles pero mas masaya nga pag nakikita mo buong screen kaysa ung baba lang xD yea tama yan! Go with the flowww! :3

*eats mango with you

Mango is always better than the anime xD
Xanaehla
^

Kapag english class lang sa amin english only talaga kapag may nahuling nag tagalog may deduction sa score *nosebleed* pero dati english ako ng english sa online for practice? tapos yung mga kasama ko galing ng taga ibang lugar konti lang Filipino. Kapag nag balikbayan rin yung pinsan ko napapasubo rin mag english. Nung nag tagal na.. na miss ko rin mag tagalog kaya ito ako ngayon tagalog naman ng tagalog or taglish, HAHAHAHA. Minsan sa environment rin nakakapag influence sa atin kaya naging ganito tayo. Maganda rin manood sa sine gastos gastos rin kahit minsan dati puro tipid yung pinagagawa ko nanonood lang dito sa online. IMAX na lang yung di ko pa na experience maybe somedayy.. pa. GO WITH THE FLOW! GOO WITH THE FLOWW! GOOO WITH THE FLOOWWW! WHOOOOOO!!!!! ~ :)

Mango ish nice pero ang favorite ko watermelon, hao bout chu? order sana ako kanina ng banana dessert na Minions kaso naubusan na sila bukas na lang. Isa na rin sa mga movies na inaabangan ko sa July 8 na ipapalabas dito kahit na di ko maintindihan language nila okay lang ang cute cutee kasi nila! *excited*



*shares a slice of watermelon* :D
show more
Please sign in to reply.

New reply