putangina yung magiintay ka ng TOKI tapos walang magsasakay sa yo kasi sa SC ka bababa kaya mapipilitan kang maglakad na lang
eh tapos ambigat ng bag mo tas mula PAG-ASA pa yung nilakad mo bwisit tapos hindi pa rin kumakain ng tanghalian
haay buhay
on another note:
yung taong alam kong galit sa akin* na iniiwasan ko dahil may utang pa akong 600 P sa kanya (babayaran ko yun pramis... pagkatapos kong mabayaran tuition ko) kaklase ko sa tatlong subjects putangina
*kasi ba naman hindi ko sinusunod deadlines NIYA (emphasize dun sa NIYA, kasi mga ilang linggo pa bago yung deadline nung project/plate namin) unang dahilan kung bakit hindi ko masunod; stress na stress ako nung time na yun dahil depressed ako, maraming papers na gagawin plus may speech pa ako, ilang linggo na akong nagpupuyat, at dahil depressed na depressed ako (yep emphasize on this)
pangalawang dahilan; nakakainis siya kasi ba naman akala mo kung sino siya; talagang sinabi niya pa sa akin to,
"Mas importante ba yan? Matuto kang mag set ng priorities."
"Mahal mo ba talaga ang Architecture? Kasi ako oo kaya blah blah *insert shit about her doing her best and all those shit*"
Ang pinaka ayaw ko sa lahat eh yung mga taong minamaliit yung kakayahan ko. Masakit na sabihang "your work is shitty" kahit na ginawa mo yung best mo para matapos yun. Akala niya dun sa mga sinasabi niya namomotivate ako pero hindi, sobrang nawalan ako ng ganang gumawa ng KAHIT ANO dahil sa ugali niya
Hindi naman ako ganun ka galit sa kanya dahil alam kong mas galit siya sa kin dahil nga dun sa utang ko sa kanya at dahil sa hindi ko siya natulungan dun sa model namin (refer to the reasons above). Pero yung mga taong tulad niya; yung mga taong "GRADE CONCIOUS" kuno na nangmamaliit na ng mga tao dahil gusto nilang mataas yung makuha nilang grado at ayaw sa mga taong free loader dahil alam nilang mahahatak sila pababa, sila yung mga tipo ng taong alam mong pagdating nang araw na manlalamang sa kapwa at nasa tuktok ng pedestal at ayaw manghatak ng iba pa paakyat sa pedestal na yun
homaygad yung rant ko
oh well sana may magbasa kahit papaano, gusto ko lang talaga kasing maglabas ng saloobin