forum

40mP (megpoid gumi) - Yume Chizu [Taiko]

posted
Total Posts
2
Topic Starter
Tei-Nyan
This beatmap was submitted using in-game submission on Friday, April 12, 2013 at 3:14:17 PM

Artist: 40mP (megpoid gumi)
Title: Yume Chizu
BPM: 176
Filesize: 5167kb
Play Time: 03:04
Difficulties Available:
  1. Drummer (4.89 stars, 1161 notes)
  2. Nomaru (4.5 stars, 825 notes)
  3. Yoi (4.17 stars, 628 notes)
Download: 40mP (megpoid gumi) - Yume Chizu
Information: Scores/Beatmap Listing
---------------
MY TAIKO SKIN => http://www.mediafire.com/?8xm3m25nnm3bt37
Please Use My Taiko Skin for better playing this map thanks >=)
Kirino Kousaka
Mabuhay~ Nagmomod dahil sa in-game PM

Ang mga bagay na nakasulat sa Pula ay dapat ayusin.
Ang mga bagay na nakasulat sa Purple ay lubos na iminumungkahi para tanggapin.
Ang iba ay normal na mga rekomendasyon.

[General]
  1. Ang nararapat na title ay: 40mP - Yume Chizu.
  2. Sa tags dapat ilagay ang Megpoid Gumi.
  3. Ang Untitled.png ay hindi mo ginagamit at kailangan itong i-delete.
  4. Ang iyong ginagamit na background ay napakaliit, humanap ka ng mas mataas na laki. Maganda kung 1024x768 kung 4:3 at 1366x768 kung 16:9. Maaari ka ring pumili dito sa mga BG na aking irerekomenda: http://puu.sh/2DtVm.jpg http://puu.sh/2DtVV.jpg http://puu.sh/2DtWo.jpg
  5. Gamitin ang 54566 bilang PreviewTime sa lahat ng diff.
  6. Gamiting ang 2500 bilang AudioLeadIn sa lahat ng diff.
  7. Tanggalin ang letterbox para sa lahat ng diff.
  8. Huwag ng gumamit ng skin preference, hindi naman ito kailangan.

[Yoi]
  1. Ito ay isang Futsuu/normal diff hindi ba? Kung oo, masyado itong mahirap. Isa na itong Muzukashii/hard sa lagay na ito. Kailangan mo lamang gumamit ng 1/1 beats at minimal na 1/2 dito. Bawasan mo ng mga nota upang mas mapadali ang buong diff.
  2. Marami ka ring mga Big Don na mali ang pagkakagamit at kailangan gawing maliit na don. Kailangan mong magbawas ng marami sa ngayon.
  3. Payo ko na gawing Futsuu nalang ang diff na ito.
  4. 00:10:078 (9,10) - Tulad nito, isa itong 1/2 beat ngunit mahirap sya laruin para sa isang "Futsuu". Ang (10) naman ay isa sa mga tinutukoy kong maling Big Don.
  5. 00:21:157 (60,63) - Isa pa ito sa mga Big Don na aking tinutukoy.
  6. 00:33:600 (1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15,16,17,18,19,20,21,22,23,24,25,26,27,28) - Ang mga notang ito ay monotonous at kailangang haluan ng mga katu at 1/2 beats.
  7. 00:43:146 (29,30,31,32,33,34,35,36,37,38,39,40,41) - Isa ito sa mahihirap na parte upang masabi ko na hindi ito pwedeng maging Futsuu.
  8. 02:22:691 (1,2,1,2,1,2,1,2,3,1,2,3,4,1,2,3,4) - Isa pa ito, kailangang haluan ng mga katu.

[Nomaru]
  1. Sa tingin ko base sa diff name, ito ay isang "normal". Ngunit hindi ito pwedeng maging normal/futsuu, baka pati hard/muzukashii hindi rin pwede, dahil ang hirap niya, parang ng isang oni dahil sa mga notang tulad nito: 01:00:191 (24,25,26,27,28) - pang oni na ang mga ganto.
  2. Payo ko na gawin isang Muzukashii nalang ang diff na ito.
  3. Masyadong mabagal ang SV ng diff na ito, gamitin ang 1.2
  4. Marami ring mga Big Don na mali ang pagkakagamit sa diff na ito. Kailangan din magbawas dito.
  5. 00:05:987 (5) - gawing don
  6. 00:25:078 (73,74,75,76,77...125) - isa ito sa mga pinaka grabe, masyadong monotonous sa haba. Kailangan mapalitan ito ng mga alternative beat patterns na para sa muzukashii.

[Drummer]
  1. Mayroon ding mga maling Big Don dito, gaya ng: 00:14:510 (52,53,54,55,56,57,58,59,60,61,62,63,64) - huwag ka naglalagay ng Big Don sa mga streams.
  2. Maraming masyadong mahahahabang streams ang nasa diff na ito. Kailangang bawasan at mapaikli.
  3. Mayroong mga monotonous rin na parte ng diff na ito, at kailangan malagyan din ng mga alternative beats.

Iyan na muna ang aking masasabi. Marami pang dapat mapalitan sa iyong mapa ngunit maganda naman ito.
Good luck nalang :D
Please sign in to reply.

New reply